MGA ANYONG manusia yang LUPA

MGA ANYONG LUPA
Kapatagan

Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling
linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng
mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.

Bundok

Ang bundok (Ingles: mountain, mont [katawagang pang-heograpiya], at mount [isa pang
katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang
bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak

Bulkan

• Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing
pagputok. Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng
pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).

Burol(hill)




Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa
isang limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar na
may ungos, maaaring tumukoy ang isang partikular na seksiyon ng dalusdos ng ungos na
walang malinaw na tuktok. Maliit na burol ang isang punso.

Lambak



Ang lambak ay isang mababang lugar sa pagitan ng mga burol, karaniwan na may ilog
na dumadaloy dito.

Talampas



Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng
isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan

o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin
bilang pantayanin, bakood, at bakoor.

Baybayin o dalampasigan



Ang dalampasigan o dalampasig ay ang anyo ng lupang mabuhangin na katabi ng
katawang tubig ng dagat. Kilala rin ito bilang baybayin, aplaya, tabingdagat, pasigan, baybay-dagat, lambay, pundohan, at palanas. Tinatawag
itong pampangkung katabi ng ilog ang anyong lupa, na maputik imbis na mabuhangin.

Bulubundukin

Ang bulubundukin ay isang uri ng anyong lupa na nakahanay. Ito ay
isang heograpikong lugar na binubuo ng maraming bundok na magkakaugnay sa
heograpiya. Kadalasang ang mga sistema ng bundok o sistema ng mga bulubundukin ay
ginagamit upang ipagsama ang mga ilang katanginang pang-heograpiya na may
kaugnayan sa heograpiya o (sa rehiyon).



Pulo o isla



Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki
sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay
tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay
tinatawag na arkipelago.

Yungib o kweba



Ang yungib o kuweba ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring
pasukin ng tao at hayop. Lungib o alkoa ang tawag sa mga yungib na nasa ilalim ng mga
anyo ng tubig. Kabilang dito ang mga groto. Isang halimbawa nito ang Kuwebang
Tabon sa Palawan, Pilipinas. Tinatawag namang kaberna ang isang malaking kuweba.

Tangway o tangos


Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory'" Tangos, tangway}}, pahina
1369. ay isang anyong lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging
tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas
ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating
pangalan nito ay Tangwáy.

desyerto, disyerto, ilang o ulog



Sa heograpiya, ang isang desyerto, disyerto, ilang, ulog ay isang anyo ng tanawin o
rehiyon na tumatanggap ng maliit na presipitasyon. Sa pangkalahatan, nangangahulugan
ang ilang bilang mga lugar na tumatanggap ng karaniwang presipitasyon na bababa sa
250 mm (10 pulgada)





Kapuluan


Ang kapuluan (Ingles: archipelago) ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan
o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig
ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa
ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian

MGA ANYONG TUBIG
Dagat

malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng
dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat
Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, at Dagat Mindanao.)

Ilog

isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na
sapa o itaas ng bundok o burol.

Look


isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat.
Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng
Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng
mga look sa Pilipinas.)

Lawa

 isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

Bukal

 anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Kipot

 makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat
o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan nito

Talon


 matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa

Batis

Ang batis, ilug-ilugan o saluysoy ay isang anyo ng tubig na may patuloy na agos sa
pinanggagalingan nito. Karaniwan nang malinis at malamig ang tubig sa batis na madalas
matatagpuan sa gitna ng mga kakahuyan sa gubat.

TAKDANG ARALIN
SA ARALING
PANLIPUNAN
Ipinasa ni:
Summer Nicole M. Pabaira
Ipinasa kay:
Mrs. Gina Rapinan

MGA ANYONG
LUPA AT ANYONG
TUBIG